USAP- USAPAN

by REY BUCAO SNR.

 

P26-pilipino-reybucao-banlawkasaysayan-

 

Na ito ang “online history forum” na tinawag na BANLAWKASAYSAYAN.


Ayon kay G. Tony Donato, “Ang BanlawKasaysayan ay itinaguyod noong 2008 sa Multiply.Com, ngunit nang magsara ang websayt na ito noong Disiembre 2012, inilipat nila ang Banlawkasaysayan sa Facebook.com.”


Nasa likod ng organisasyong ito online ay sina G. Tony Donato, G. Joel Malabanan at Ms Cynthia Lisa Lee, mga pawing Fil-Americans na ka base sa California USA. ; subalit may 335 mga miembro sa Pilipinas at sa ibang lugar sa mundo.


Paliwanag ni G. Donato: Layunin ay ang ihayag ang tunay na kasaysayan, lalong-lalo ng Pilipinas, upang maging basehan ng mga makakabasa at sasapi. Ayon kay G.Donato, hindi kaila sa atin na may mga bahagi ng kasaysayan na mga baluktot at hindi tutuo; at sa pamamagitan ng masusing pananaliksik ay itutuwid nila ito sa mga ipapaksil sa BK websayt.( Ginamit ang “methapor” na banlaw kung tayo’y nag huhugas o naglalaba)


Ang mga kasapi ay inaasahang mag babahagi ng kanilang nalalaman, sumali sa talakayan o magtanong lamang sa mga “ historical issues, events or historical figures.”


Upang maging miembro, kailangan ang “sponsorship” ng isang registered na kasapi, may maikling “personal profile” at passport size na larawan. Kapag na aporbado na, ang unang pangalan ay uunlapian ng “Ka”, halimbawa kung Pedro ay magiging “Ka Pedro”. (interpreted to be “kasama/kapatid)


Madali lamang ang pag proseso: buksan ang Facebook.com at iklik ang websahyt BanlawKasaysayan at basahin na ang mga artikulo o komento.


Sa mga ilang talakayan mula nang naging kasapi ako may anim na buwan na ang nakalipas, may mga paksa sa kasaysayan na na “banlawan” ng katutuhanan; halimbawa- si Gat Andres Bonifacio ang unang bayani at una ring pangulo ng Republika ng Pilipinas.

 

Kaya sa inyo pong nais sumapi (walang registration membership fee) mag email pos a akin at ako ang mag eesponsor sa inyo: Reynaldo Bucao,Snr. “mailto:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o kaya’y iposting direct sa webpage Reynaldo Bucao Facebook.com

 

Read 937 times

About Author

Login to post comments

Archive