ANG BAGONG PAMUNUAN NG SAMAHANG SAFSI

ni Nards Purisima

 

p26-pilipino-nards-1SAFSI  INDUCTION  CEREMONY 002

Ang mga bagong pamunuan ng SAFSI ng sila’y manumpa na isinagawa ni Consul Marford Angeles ng Konsulado ng Pilipinas.

 

p26-pilipino-nards-2SAFSI  INDUCTION  CEREMONY 003

Masayang nag-ehersisyo ang mga opisyal at miyembro ng SAFSI. Isa ito sa kanilang mga programa.

 

Kung ang taon ay may pagbabago, dito sa samahan ng mga senyor SAFSI, taon-taon ay may pagbabago rin ng mga namumunuo sa kanilang samahan.


Kamakailan lamang nagkaroon sila ng halalan at ang napiling pinuno sa taong ito ay silla Pangulo- Virginia Atienza at pangalawang pangulo Louisa Tagudin. Ipinokrama ni G. Lito de Laroya kinatawanng comelect sa samahan SAFSI noong eleksyon ang dalawang pinuno.


Para mabuo ang gropo o management ng samahan pumili sila sa mga miyembro ang kasama o katulong nilang magpapatakbo sa kanilang samahan sa loob ng isang taon. Pagkatapos nagkaroon sila ng official na panunumpa, kaya marami silang besita, mga kaibigan at panauhin pandangal katulad nila Consul Marford Angeles, Cultural & Signing Officer Rachel Calisin sa consulate office Sydney, at marami pang iba.


Bago nag-umpisa ng programa nag-exercise muna sila, gaya ng nakikita natin sa larawan. Ang mga nanumpang opisyales sa harapan ni Consul Marford Angeles ay sila Pangulo - Virginia Atienza, Pangalawang pangulo Louisa Tagudin, Secretary - Virginia Pineda, Treasurer - Soledad Kanty, Auditor Carmelita Arapoc, Prog. Director Prima West, P O - Cesar Agustin, P R O - Atoy Sayas, Over-All Coordinator Elaine Liddle, kasama na rin ang mga Tagapayo, Assistants at iba pang Opisyales. Nanumpa sila na tutuparin nilang lahat ang mga patakaran ng kanilang samahan at gagampanan nilang lahat ang tungkulin ng kanilang mga position sa loob ng isang taon


Pagkatapos nagbigay ng maikling mensahe ang ating Consul Marford Angeles at gadin ang bagong Pangulo Virginia Atienza at Pangalawang pangulo Loiusa Tagudin, Sinabi nila sa lahat, na gagawin nilang lahat ang abot ang kanilang makakaya upang ang ating samahan SAFSI ay mapabuti, mapaganda at mapasaya. Kaya nakikiusap sila sa lahat ng mga nahalal na opisyales at sa mga miyembro na kailangan natin magkaisa, magtulongan at higit sa lahat ay magmahalan tayo sa ikabubuti, ikagaganda at ikasasaya ng ating samahan.

 

Kaya para sa ibang miyembro sana ipakita natin sa gawa, huwag puro lang salita.

 

Read 850 times

About Author

Login to post comments

Archive