1) Filipino Community lifestyle park 2) Photo contest 1) Filipino Community lifestyle park 2) Photo contest

BUWAN NG WIKANG FILIPINO ni Nards Purisima

Sa samahan ng mga senyor tuwing dumarating ng buwan ng Agusto ay hindi nila nakakalimutan ipagdiwang Ang Linggo ng Wika. Ito ang nagpaala-ala sa kanila lalong-lalo na sa kanilang mga anak ang mga magagandang asal na itinuro sa kanila noong sila ay bata pa. Gaya ang pagalang sa mga matatanda lalong-lalo na sa kanilang lolo at lola, sa pagbigkas ng salitang “ po at opo” ganon din sa pagmamano sa mga kamay ng matatanda.
Kaya ito ngayon ang ipinakikiusap ng mga senyor sa kanilang mga ibang anak na sana ay turuan nila ang kanilang mga apo ng magagandang kaugalihan natin Pilipino.
At isa pang pakiusap ng mga senyor para sa ibang anak na sana turuan ang kanilang mga apo na makipagusap ng maayos na salita para sa kanila. Sa ngayon napapansin ng mga ibang senyor sa kanilang pakipagusap sa mga ibang kabataan o sa kanilang mga apo na kulang na sa pagalang sa kanila. Pambihira nalang sila nakakarinig ng salitang “ po at opo” at bihira narin sila nakakakita ang nagmamano sa mga kamay nila.
Ganon paman hindi nila pinipilit ang kanilang kapanahonan. Ang gusto lang nila ay kunting respeto lang sana sa kanila. Kaya ngayon buwan ng Wikang Pilipino, ating ipagdiwang ating sariling wika. Ipakita natin na tayong lahat ay tunay na Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa. Iwasan natin ang pagalingan at maraming salita na hindi naman natin ginagawa.. Ipakita natin sa mga ibang lahi na tayong lahat ay nagkakaisa nagtutulungan at higit sa lahat ay magmahalan tayong lahat
Dito sa isang samahan ng mga senyor Filipino Forum in Australia pangulo Ding Vergara at Pangalawang Pangulo Prima West ay ipinakita nila ang isang magandang kaugalian natin Pilipino. Silang lahat ay tulong-tulong kapag may nagaganap na ganitong pagdiriwang. Gaya ng nakikita natin sa larawan na masasaya silang lahat na nakaharap sa spisyal pagkain ng Pilipino pagtawagin natin ay Lechon.at ito naman ang larawan ang pangkahalatan gropo.
Dito natapos ang masayang pagdiriwang Ang Buwan ng ating Wikang Pilipino.

Read 1038 times

About Author

Login to post comments

Archive