Ang Bagong Pamunuan ng Safsi

Ang Bagong Pamunuan ng Safsi

by Nards Rurisima

 

Dito sa samahan ng SAFSI  maraming miyembro ang lubos na nasiyahan noong nagkaroon sila ng halalan upang pumili ng bagong magpapalakad sa samahan sa loob ng isang taon. Sa ginanap na halalan kamakailan lamang ang mga nahalal na bagong mamumuno ay sila G. Reynalda Morris - Pangulo,    Virginia Atienza - Vice Pres.   Delia Purisima - Sec.    Juanita Sentinellar - Treasure,    Angeles Belleza - Auditor,    Romeo Rontale - PRO,    Cesar Agustin - Public Officer.

 

Pagkaraan ng isang Linggo nagkaroon sila ng panununumpa kasama ang mga assistants, tagapagugnay ng pook at iba pa. Nanumpa silang lahat sa harapan ni Ed Husic MP na ginanap sa Marayong Community Hall. Bilang bagong pangulo ng samahanSAFSI, si G. Reynalda Morris ay nagbigay ng maikling mensahe at sinabi niya sa lahat ng miyembrong samahan na gagawin nilang lahat ang abot ang kanilang makakaya at susundin nila lahat ang nakasaad sa kanilang Constitution upang mapabuti, mapaganda at mapasaya nila ang kanilang samahan. At nakiusap sa lahat ng miyembro ng samahan na kailangan magkaisa, magtulongan at higgit sa lahat ay magmahalan tayo sa ikabubuti, ikagaganda at ikasasaya ng ating samahan.

 

At ang panghuling mensahe ay nagpapasalamat ng marami sa mga panauhin pangdangal sila Ed Husic MP at Consul Gen. Anne Jalan-doon Louis sa kanilang pagdalo. Sa kabilang dako naman dito ren sa samahang SAFSI may isang miyembro na nakadama ng lubos na kaligayahan dahil sa matagal niyang ipinagdarasal at inaantay-antay na sana ay magiging Australian Citizen siya itong taon na ito at natupad, dahil kamakailan lamang na kasama na siya sa pangalawang bacth na nagoathtaking ng pagka Australian Cetezenship na ginanap sa Bowman Hall Blacktown, na nakikita natin sa larawan. Alam ba ninyo kung sino itong maligayang senyor na ito? Walang iba kundi ang aking kaibigan na si G. Rey Alejandro at isa na siyang Australiano ngayon.

 

 

 

First SAFSI Managament Meeting at Mount Druitt Library led by Pres. Reynalda Morris

 

 

 

Second Batch Austalian Citizenship oathtakoing Bowman Hall Blacktown

kasama mga kaibigan Delia, Evelyn, Rey Romy at Lolita

 

 

Read 712 times

About Author

Login to post comments

Archive