Usap-usapan

Usap-usapan

by Rey Bucao Snr.

 

Naka larawan ang BRP Siera Madre (LST 57) ng Philippine Navy na sa isla ng Ayungin at nagsisilbing ‘OUTPOST’ ng PILIPINAS sa grupo ng mga Reefs at Shoals sa Kalayaan (Sprattly’s).


Libo-libong Filipino sa Maynila at mga nasa ibang bansa ang nag rally-protesta noong ika-24 ng Hulyo laban sa Tsina.
Ayon sa ulat, mga 2,000 ang dami ng sumali sa kilos protesta sa harapan ng Chinese Consulate sa Makati at kinabibilangan ng iba-ibang sector ng lipunan, mga estudyante, mga datihang opisyal ng pamahalaan at mga retiradong mamamayan.


Ganuon din ang nangyari sa mga Filipino sa mga ibang lunsod sa Estados Unidos, Etalya, Inglatera, Canada at Australya.


Ayon sa mga Pinoy na nag organisa nito, ginawa nila ang “GLOBAL PROTEST” dahil na sa “creeping invasions” ng Tsina mga reefs at shoals sa mga grupo ng Isla ng Kalayaan (Spratly Islands). Sinabing “creeping invasion” dahil unti-unting sina sakop ang mga parte ng teritoryo ng Pilipinas.


Nauna ang Panatag Shoal (Scarborough) na parte ng munisipalidad ng Zambales.Ayon sa Tsina ang Panatag ay na sa ilalim ng hurisdikdsiton ng Sansha City Perfecture mula noong ika-24 ng 2012 at kasama ang dalawang milyong kilometro kuadrado ng karagatang West Philippine Sea.


Ang Panatag ang pinakamayaman sa mga isda at iba pang marine produkto at mula nang sakupin ng Tsina ito, daan-daang tonelada ng mga isda ang hinahakot sa Tsina. Ang masakit nito, nag tayo na sila ng mga permaneteng mga gusali o naval station na may mga nakabase ng mga bapor pandigma. Halos mga Tsino na lamang ang mga na ngingisda, kaya maraming mga ngingisdang Pilipino ang nawalan nang pinagkakakitan.


At kamakailan, ang Ayungin Reef ang binalak nilang sakupin; may mga barko pandagat ang Tsina na hinaharang ang mga supply para sa mga Philippine Marines Detachment na naka base sa naka sadsad na barko (nasa larawan). Ito ang datihang BRP Sierra Madre( LST-57), na ayon sa ulat ay sinadya ng Philippine Navy ang “grounding” upang magsilbing permanenteng “out post” ng Pilipinas.


Ang Ayuingin reef ay may mga mahigit na isang dang milya nutika mula sa Palawan; ito ay may malaking deposito ng langis at naturasl gas. Ayon sa US Energy Information Agency: “ it estimates to contain 2.5 billion barrels of oil and 25.5 trillion cubic feet of natural gas.”.


Ang inyo pong komento sa artikulong ito ay wecome po at ipadala lamang sa email address ko sa: HYPERLINK “mailto:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o kaya post direct sa Reynaldo Bucao sa Facebook.com

 

Read 731 times

About Author

Login to post comments

Archive