USAP - USAPAN

by REY BUCAO SNR.

 

MV Thomas of Aquinas

Photo by: Dennis Cifford-Nunez

 

Mahigit sa 110 pasahero ang nasawi nang ang MV St.Thomas Aquinas ay lumubog noong ika-16 ng Agosto malapit sa Talisay Cebu. (larawan ng bapor nang naka-daong sa Pier at kuha ni Cliford Nunez)


Ang trahedya ay dahil sa pag bangga sa MV St. Thomas Aquinas ng Cargo Ship MV Sulpicio Express Siete. Ayon sa report ng Coast Guard sa Cebu, ang MV Aquinas na may mga 700 na pasahero ay galing sa Nasipit, Agusan at patungo sa Maynila via Cebu; nang pumapasok na patungo sa Pier ng Lunsod ng Cebu naka-salubong ang MV Sulpicio malapit sa Lauis Ledge lighthouse.


Sa testimonya ni Captain Galipher lan Faller ng Trans Asia Nine, ang barko niya ay sumusunod sa MV Sulpicio kaya nakita niya nang ang MV Sulpicio ay bumangga sa MV Aquinas. Ayon kay Captain Faller, ang MV Sulpicio ay dapat nasa “outbound lane” at hindi sa “inbound lane” ng MV Aquinas. 

 

Ayon kay Captain Reynan Bermejo ng MV Aquinas nang makita nila sa Radar ang “wrong lane” ng MV Sulpicio mga ika-8:23 ng gabi ay nag radio sila sa MV Sulpicio ngunit wala silang natanggap na sagot. Sang-ayon naman sa Kapitan ng MV Sulpicio, na si Captain Rolito Gilo, nakita nila na may “red light” ang MV Aquinas at inakala niya na “the passenger vessel would turn to its right side”.


Dahil sa ganitong mga interpretasyon ng mga signal mula sa dalawang barko, sumalpok ang prowa ng MV Sulpicio sa may likurang parte ng MV Aquinas na nabutas at biglang pumasok ang tubig, tumagilid at madaliang lumubog. Hindi naka abandon-ship kaagad-agad, kaya marami ang namatay at nawawala.


Ang mga Philippine Navy Divers at mga civilian rescue teams ay marami ring nailigtas . Ang MV Sulpicio bagamat nabutas ng malaki sa kanyang prowa ay hindi lumubog at ang mga crew ay tumulong sa rescue operations. Habang sinusulat ito, ang Special Board of Marine Inquiry (SBMI) ay patuloy pa sa kanilang pag susuri ng mga katibayang na submiti ng mga kapitan ng dalawang barko at iba pang mga saksi. Napa balita na ang Kapitan ng Trans Asia Nine ay maaari ding managot dahil ang pag-overtake niya sa MV Sulpicio ay nag pa sikip sa “outbound lane” ng channel at na apektado ang safe passage ng mga nag sasalubong na barko.

 

Samantala, ang oil spill mula sa lumubog na barko ay under control at hindi naman kumalat sa mga karatig na pook at dalampasigan ng Cebu. Dahil ang inbestigasyon ay “on going” pa, hindi natin malaman kung sino ba ang may kasalanan sa malungkot na trahedya.


Ang inyo pong komento ay welcome at ipadala po lamang sa email ko sa : This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

 

Read 678 times

About Author

Login to post comments

Archive