ARAW NG MGA AMA

Dumating na naman ang Araw ng mga Ama o Fathers’ Day. Tuwing sumasapit ang buwan ng Septyembre hindi natin nakakalimutan gunitain ang Araw ng mga Ama o Fathers’ Day. Ang Araw ng mga Ama ay kailangan nating ipagdiwang dahil itong araw na ito ay mahalaga sa ating buhay. Ito ay nagpaala-ala sa ating lahat ang kahalagahan ng isang ama sa ating buhay katulad rin ng ating Ina.


Ang Ama at Ina natin ay marami ng ginampanang mahahalagang tungkulin sa ating buhay. Sila ang nagpakahirap upang tayo ay mabigyan lamang ng magandang kinabukasan sa buhay. Sa ngayon, lahat na kaginhawaan sa ating buhay ay bunga ng kanilang pagsusumikap noong kalakasan pa nila at hanggang sa ngayon ang ibang mga senyor ay patuloy parin na sumusuporta sa mga ibang anak. Katulad ng pagaalaga sa kanilang mga apo lalong lalo na sa mga nakatira sa bahay ng kanilang mga anak.


Kaya kapag nagsama-sama ang mga senyor sa isang lugar o dumating ang araw ng kanilang pagpupulong sa kanilang samahan, gaya ng nakikita natin sa larawan masasaya silang lahat na nagusap-usap tungkol sa kanilang buhay dito sa Australia at sa Pilipinas.


Sa Pilipinas, lahat sila ay naguutos at sila rin ang masusunod kapag mayron silang sinasabi sa mga anak. Ngayon dito sa Australia ang ibang senyor ay iba na, sila na ngayon ang sumusunod sa utos ng mga anak. Kaya kahit mayroon silang lakad na magkakaibigan, kapag sinabi ang anak na magaalaga muna sila ng mga apo ay hindi na sila makatanggi. Kaya sinabi nalang sa kanilang kaibigan na mayron silang (Apocinang Duty Free) ang ibig nilang sabihin magaalaga ng mga apo na walang bayad. Ganyan ang buhay ang mga ibang senyor naintindihan nila ang kalagayan ng kanilang mga anak, dahil mahalaga sa kanila ang kanilang pamilya. Kaya mga senyor ay lagi silang naka suporta sa kanilang mga anak. Pero, ang mga ibang anak ay hindi nila napapasin o nakikita ang mahahalagang bagay na ginagawa sa kanila ng kanilang mga magulang.


Kaya ang mga senyor mayron silang isang kanta para sa mga ibang anak. At ito ang kanilang kanta (Kahit Kunting Pagtingin na Nanggagaling sa Inyo) ay maligaya na sila.


HAPPY FATHERS DAY!
At para sa mga anak na mapagmahal at ma-alalahanin sa magulang ay MABUHAY KAYONG LAHAT!

 

SAFSI birthday celebrants (l-r) Letty Yrorita, Nards Purisima, Cipriano Caoagdan & Dory Meissner

w/ the guests Dr. Cen Amores, APCO Founding Pres. Phil. Consul Marford Angeles,Rachel Calisin,

Cultural Officer and Jessie Llaneta, Property Officer at Consulate Offices & KCL Pres. Ruben Amores not in photo.

 

 

Filipino Support Group in Merrylands.

 

Read 725 times

About Author

Login to post comments

Archive