USAP- USAPAN

by REY BUCAO SNR.

 

p26-pilipino-reybucao-FASHVI members with Donations

FASHVI members posing with donations. Photo provided courtesy of Kelly-Ann Jenkinson.

 

Tulad din ng mga ibang asosasyong Pinoy –Aussie, ang Filipino-Australian Society of the Hunter Valley., Inc. (FASHVI) ay may “ cash at maraming relief goods” para sa mga biktima ng Yolanda.


Sang-ayon kay Gng. Rebecca Macdonald, pangulo ng FASHVI, maraming mga “packages and bags” na naglalaman ng mga relief goods ay ipadadala sa Philippine Red Cross; gayon din ang mga halagang nalikom sa fund-raising. Salamat din kay kasaping Ben at Fe Balaba na nag “arranged with LBC Sydney” upang dalhin ang mga donasyon sa Pilipinas nang libre. Gayon din sa transportasyon ipinaka-loob ng Newcastle Ethnic Communities Council (ECC) upang madala ang mga donasyon mula sa FASHVI Multipuirpose Centre sa Boolaroo hanggang sa LBC.

 

Kapuri-puri ang mga “generous responses” ng mga kasaping Pinoy-Aussie at pati kumunidad sa Hunter Valley; hindi sila nag-atubili sa pag bibigay ng tulong. Noong ika 18 ng Nobiembre habang abala ang mga miembro ng FASHVI sa pag-rerepak ng mga sari-saring donasyon, dumating ang team reporters ng Newcastle NBN News at kumuha ng ilang mga “ footage” na nagaganap sa loob ng Fashvi Hall; isa sa mga ito ay inilakip dito (may permiso)


Samantala, ang mga darating na kaganapan sa FASHVI: sa ika-24 ng Nobiembre ay gaganapin sa FASHVI Multipurpose Centre, 24Th Street Boolaroo NSW ang ika-30 kaarawan ni Frederick Macdonald, anak na panganay ni G. Donald at Gng. Rebecca Macdonald; bilang member’s social day lahat ay inaanyayahan. Salamat sa “make –over” ng Hall- malaki at maaliwalas na ang bulwagan.


Nais din naming ipa-abot kay Dr. Belen Manhuyod Haywood, datihang VP ng FASHVI, ang pagbati sa kayang Mother na si Lola Leoncia Manhuyod na magdaraus ng kanyang ika-100 sentenaryo ng kapangakan sa ika-27 nitong Nobiembre. Dahil sa kahalagahan ng okasyon, ang selebrasyon ay gaganap;in sa El Fisher Hotel sa Bacolod City upang maging malaking “reunion” ng mga pamilyang Manhuyod ng Negros Occidental.


Sa ika-15 ng Disyembre ay gaganapin ang makulay na tradisyunal na Christmas Party ng FASHVI at tulad nang mga nakaraang pagunita, may malaking salo-salo, palaro at si Santa ay magbibigay ng mga regalo sa mga bata. Ang inyo pong komento ay welcome at ipadala sa email: “mailto:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o post diect sa Reynaldo Bucao Facebook.com

 

Read 866 times

About Author

Login to post comments

Archive