HABANG MAY BUHAY

ni Nards Purisima

 

Dito sa lupang ating ginagalawan lahat ng bagay ay may hangganan, katulad rin ng ating buhay na mayroon din katapusan


Kaya ang payo ng mga ibang senyor lalo na yong nakakatanda sa atin, habang tayo’y nabubuhay pa dito sa ibabaw ng lupa , kailangan natin magpakita ng pagmamahal sa ating kapuwa. Kailangan nating magpakita ng kabutihan, makisama, makipagtulongan at gumawa tayo ng mga mahahalagang bagay sa ikagaganda, ikasasaya at ikabubuti sa ating samahan lalong lalo na sa ating Kummunidad. At kung ikaw ang napiling pangulo ng isang samahan ay gumawa ka para sa kabutihan ng lahat at hindi pang sarili lamang.

 

Dahil ito ang nagsisilbing ala-ala sa iyo saan kaman pumunta o kaya pagdating ng panahon na ikaw ay mawala na dito sa lupa. Kaya lahat na nagawa mong mga kabutihan ay palagi kang maala-ala ang inyong mga kaibigan, samahan lalo na sa Kummunidad.

 

Kaya ito ngayon ang ipinapakita ng mga ibang senyor sa ibat-ibang samahan at ang sabi nila , “Habang May Buhay” at malalakas pa sila ay lagi silang nakahandang maglingkod at tumulong basta kaya nila ay hindi sila tumatanggi sa ikabubuti at ikasasaya ng kanilang samahan lalong lalo na sa ating lipunan.

 

Gaya kamakailan lamang nagkaroon ng pagdiriwang ang mga Pilipino o Fista Kultura na ginanap sa Fairfield Showground ay nakatanggap ng paanyaya ang samahan PASSCI Fairfield na pinamumunuan ni G. Jun Relunia at naghandog ng isang kanta ang ang PASSCI Choir at sa isang grupo naman ay sayaw na nakikita natin sa larawanled by Linda Alvarez Vice Pres. sa nasabing samahan. At ang ibang grupo naman ay namasiyal nalang. Nababakat natin ang kanilang mukha na wala silang kapaguran at maligaya silang lahat.

 

Ganyan maglingkod ng mga senyor basta ikabubuti, ikagaganda at ikasasaya ng ating lipunan ay lagi silang handa.

 

Read 979 times

About Author

Login to post comments

Archive