ANG BAGONG TAON NG MGA SENYOR

ni Nards Purisima

 

p26-nards-1SAFSI -KCL for the typhoon victims 009

Kapit-bahayan Cooperative Ltd (KCL) residents packing goods

for Typhoon Haiyan (Yolanda) victims in the Philippines.

 

Ang bagong taon para sa mga senyor ay mahalaga. Ang sabi ng iba, kung ang taon ay may pagbabago dapat tayo ay mayroon rin pagbabago. Ang ibig nilang sabihin, sa ibang kasamahan nilang senyor na sana ang hindi magandang gawain o ugali ay kailangan nating baguhin ngayon bagong taon.


Kaya ang sabi ng ibang senyor, ang ugaling kailangan natin baguhin, lalo na kung mayroong pagpupulong nagaganap ang ating samahan gaya ng nakikita natin sa larawan, sana bawasan ang maraming salita na hindi naman nating ginagawa. Kailangan kapag mayroon kang sinabi, gawain mo, ipakita mo sa gawa hindi lang puro sa salita.

 

At kung gusto mo rin tumulong upang maayos at gumanda ang inyong samahan, ipakita mo sa gawa para paniwalaan ka. Kung ikaw ay napiling official sa inyong samahan, sana gampanan mo ang inyong tungkulin.


Sa ibang dako naman, kung tungkol sa pagtulong, ang ating pag-uusapan, hindi pa rin nahuhuli ang mga Pilipino. Kahit saan man tayo tumira dito sa mundo, basta may mabalitaan na sakuna o nangangailangan ng tulong ang kapuwa natin Pilipino, lagi silang nakahandang dumamay sa lahat ng oras. Gaya ng nangyaring sakuna sa Tacloban Leyte, kaya ang mga kababayan natin dito sa Australia ay nagpapakahirap na gumawa ng paraan upang sila ay makalikum ng pera, damet, pagkain at marami pang iba, para maipadala sa mga nasalanta ng bagyong Haiyan sa Filipinas.

 

Nakikita nating sa larawan ang mga ibat-ibang grupo na naghahanda ng mga ipapadala nila sa Filipinas. Sa grupo ng KCL at APCO na pinangu-ngunahan ni G. Ruben Amores tulongtulong silang naglalagay sa mga karton ng mga damet at pagkain. At dito naman sa grupo ng mga senyor nakikita natin sila na nagbibigay sila ng pera upang ibigay rin nila sa mga nasalanta ng bagyong Haiyan.


Ganyan ang mga Pilipino dito sa Australia, matulungin at na kahandang tulong sa lahat ng oras.

 

 

SAFSI Gen. membership meeting at Marayong Comunity Hall

 

p26-nards-2SAFSI -KCL for the typhoon victims 033

p26-nards-3SAFSI -KCL for the typhoon victims 037

 

Read 885 times

About Author

Login to post comments

Archive