FILIPINO GOSPEL MUSIC LIVE IN CONCERT

Gospelipino

by REY MANALOTO

 

Sa March 30, 2014 Sa Bowman hall ay mayroon tayong pagtitipon na tinatawag na FILIPINO GOSPEL MUSIC LIVE IN CONCERT. Magkakasama ang ibat-ibang simbahang Pilipino dito sa Sydney. Magkakaroon ng mga awitan para sa Panginoon pangungunahan ng mga pangunahing Kristiyanong Pilipinong mang aawit at marami pang surprise guests. Ito ay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda (Haiyan) sa Tacloban. Ipapamahagi ang mga donasyon sa mga napinsalang simbahan at mga kapatid sa Panginoon sa Tacloban. Ang tulong financial ay ihahatid mismo ng Agape Mission Group sa buwan ng April 2014. Ipapakita rin natin sa Marso kung anong merong talento sa musika ang mga Kristiyanong Pilipino dito sa Sydney na dapat natin tangkilikin dahil tayo ay mga Pilipino at maipagmamalaki sa iba. Sa Linggo ito magsisimula 5:00 pm hanggang 8:00pm.


Kaya ikaw kaibigan kung meron kang talento sa musika o anupaman ay mag email lang sa akin sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Puspusan ang paghahanda namin at pagpaplano sa ikagaganda ng ating programa upang masiyahan ang mga manonood at mapapurihan ng lubos ang Panginoong Hesus. Ikaw kaibigan iniimbita ka namin sa March 30, 2014 Sunday 5:00 pm magsisimula. Wala ng mas kahangahanga at kapani-paniwala pa kaysa sa pakikinig tungkol sa Panginoong Hesus. Kung tayo ay natutuwa at na-iinlove sa mga awiting secular pero pag tungkol kay Hesus ay nakakapagbigay ng kapayapaan at seguridad na hindi Niya tayo pababayaan ng Panginoon dahil tayo ay mahal NIYA.


Matthew 7:28-29
Nangyari nga, nang matapos na ni Jesus ang mga pananalitang ito, ang mga tao ay nanggilalas sa kaniyang turo.Ito ay sapagkat siya ay nagturo sa kanila tulad ng may kapamahalaan at hindi tulad ng mga guro ng kautusan.

 

Read 572 times

About Author

Login to post comments

Archive