MGA TULA NG MAUBANIN TEKNOLOHIYA

ni EMMANUEL I. DERECHO

 

I
Para bang ang bilis umikot nitong mundo,
Sa mga bagay na tinutuklas dito ng mga tao,
Teknolohiya ay panay din ang mga pagbabago,
Wala ngang katapusan at tuloy-tuloy ito.


II
Sa television, computer, sa mga telepono,
Kay dalas magpalit ng mga modelo,
Sa mga bagong labas ang may pera ay nalilito,
Ano ba ang bibilhin sa mga gadgets na ito?


III
Ang mga pagbabago ay napakabilis,
Dahil hindi lang tao ang mga nag-iisip,
I-load lang sa computer gawin ang ilang click,
Marami na ngayong mga henyong scientist.


IV
Ikumpara mo ito about many years ago,
Kung tatawag sa malayo, saan ka tatakbo?,
Maghahanap, pipila sa mga overseas radio,
Sa malakas mong boses, sa reception na magulo.


V
Teknolohiya ay nandiyan upang pakinabangan,
Ginagamit sa lahat pati sa digmaan,
Mga bagay na ngayon ay kinagugulatan,
Sa kinabukasan ay t’yak ding pagtatawanan.


VI
Makabagong kasangkapan, sasakyan at proseso,
Pampagaan ng trabaho, panlibang, pampagulo,
Apektado ang isip at puso ng mga tao,
May nalubalob, umimprub at naging parang santo.


-wakas-
(Mula sa ikatlong aklat ng Mga Tula Ng Maubanin)

Read 917 times

About Author

Login to post comments

Archive