Gospelipino ni Rey Manaloto

Gospelipino ni Rey Manaloto

KATARUNGAN NG DIOS PARA SA MGA TAONG NAAAPI
Isang lalaki nagkuwento kailan lang sa akin dahil sa sobrang kalasingan nabugbog sa lugar ng Campbeltown ng tatlong kalalakihan. Duguan at nakahandusay na siya pero hinataw pa siya ng baseball bat sa ulo ang dahilan kaya siya dinala sa ICU at na coma. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya ng makalabas na siya hospital at bumalik siya sa trabaho niya ay parang hindi ko siya nakitaan ng lungkot o galit sa nangyari gayunpaman kakanta kanta pa siya at tawa ng tawa habang nagtatrabaho. Kakaiba siya sa lahat bagamat hindi pa niya sinusuko ang buhay niya sa Panginoon hindi niya inisip na maghiganti.
2 Thessalonians1:6 “Kung isang bagay na matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,”
Ibig sabihin hindi na kailangan pang maghiganti ang mga anak ng Dios sa mga taong nakagawa ng pagkakamali, ang Dios ang tagapagtanggol natin. May isang mekaniko ng 18 wheeler truck na hindi tinatrato ng mabuti sa kanyang trabaho. Taon taon palagi siyang inaalipusta at hindi nakakatanggap ng pagtaas ng sweldo at wala man lang bonus. Patuloy pa rin matapat at masipag sa trabaho kahit hindi sya gusto ng kanyang supervisor pero ang sabi niya hindi siya naglilingkod sa kanyang supervisor kundi sa Dios siya nagtatrabaho. Isang araw na hindi inaasahan tinawag siya ng may ari ng kumpanya sabi ng may ari na gusto na niyang magretire at naghahanap siya ng taong pwedeng mamahala ng kumpanya niya. Sabi ng may ari gusto ko ibigay sa iyo ang kumpanya. Sabi ng lalaki wala akong ibabayad para bilhin ang kumpanya. Sabi ng may ari, hindi mo ako naiintindihan ibibigay ko sa iyo ang kumpanya para ipagpatuloy dahil sa iyo ko lamang mapagkakatiwala ang kumpanya.
Kaibigan, iyan ang magandang ehemplo ng katarungan sa buhay ng tao. Hindi natutulog ang Dios sa mga taong matapat at pinapapapala Niya sila. Ang Dios lamang ang maghihiganti para sa iyo sa mga taong nagkakasala sa iyo. Sa halip ay palagi tayong mapagpatawad at mapagmahal sa kapwa. Kung gagawin mo ang mga iyan, ikaw ay mapopromote at sisiguruhin sa iyo ng Dios na magiging matapat Siya sa kanyang mga pangako. Kung meron kang tanong, karagdagan o kumento ay mag email lamang sa akin sa gospelipino@hotmail .com

Read 362 times

About Author

Related items

  • Gospelipino ni Rey Manaloto

     

    Huwag hayaan nakawin ng isang masamang karanasan ang iyong kaligayahan

     

    Hindi magandang karanasan
    ko kailan lang ng bumili ako ng telebisyon sa internet itong nakaraang buwan.
    Isang Television nalaman kong mura mula sa pa London at nakakakahon pa. Kinuha
    ko pa sa malayo siguro mga mahigit 50 kilometro ang layo. Pero ng binuksan ko
    pagdating ng bahay ay basag pala ang screen.
    Agad akong nagtext sa may ari
    at nagpaumanhin siya at binalik ang
    ibinayad ko sa pamamagitan ng money transfer.
    Sinabi nya na hindi inaasahan na basag ang screen dahil siguro sa
    delivery kaya nagkaganon . Nakita ko tapat siya sa kanyang katuwiran at
    tinanggap ko naman ang kanyang paumanhin. Ano ang aral nakuha ko dito?

    Sa tuwing mahaharap ako sa nakaka stress na
    sitwasyon dapat manatiling kalmado. Humingi tayo ng kalakasan sa Dios sa oras
    ng pagsubok o crisis. Lagi tayo dapat nakadepende kay Hesus para
    mapagtagumpayan anumang sitwasyon. Kapayapaan ni Hesus na hindi nararanasan
    dito sa mundo at dahil sa kapayapaan ng Panginoon ay kakayanin nating harapin mga sitwasyon na mararanasan natin sa
    buhay.

    Kailangan ipakita ang mga bunga ng
    Espiritu na katangian na naghahari sa ating buhay. Dapat ay maging maunawain
    tayo sa ibang tao magministeryo tayo sa ibang tao sa halip na mag kanya kanya
    at unahin ang sariling kapakanan. Iwaksi sa buhay ang pagiging mabalisa,
    kagulumihanan, matatakutin, karuwagan at magagalitin kundi kapayapaan ni Hesus
    ang maghari sa ating buhay. Sinumang indibiduwal nagkasala o nagpasakit sa iyo
    sa nakaraan ay dapat silang patawarin. Huwag silang kamuhian at gantihan sa
    ginawang pagkakamali sa atin sa halip ay patawarin sila, ipanalangin na buksan
    ng Panginoon ang kanilang mga mata sa kasalanan at magministeryo tayo na ilapit
    sila sa Dios. Hindi mo magagawa magpatawad sa iba pero sabihin ko sa inyo
    magagawa natin kung mag papalinis tayo ng ating puso sa Salita ng Dios . Huwag
    hayaan nakawin ng masamang karanasan ang magagandang pangako para sa ating
    kinabukasan.

    John 14:27

    “Ang kapayapaan ay iniiwan ko
    sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng
    ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang
    inyong puso, ni matakot man.”

Login to post comments

Archive