MGA TULA NG MAUBANIN ni Emmanuel I. Derecho

PABANGO
I
Inilabas na ang listahan ng kanilang mga kasama,
Sa ‘pork barrel scam’ na mahabang istorya,
At itong si amo na patapos na ang termino,
Para bagang sinabi na ‘bahala na kayo’.
II
Sa paglabas nito maraming nasiyahan,
Kahit papano ay nalaman ng bayan,
Kung sinong nagpasasa sa munting kaban,
Kung sinong iwawaglit sa susunod na halalan.
III
Pero sila naman tiyak ay di makukulong,
Sino ang uusig?, Sino ang magsusulong?,
Doon nga sa tatlo halos magunaw ang mundo,
At ginawa lang naman sila na pabango.
IV
Ba’t di nga naman sumubok tayo ng bago,
‘At least’ iyong malinis di tulad ng trapo,
Iyong sa ‘corruption’ ay hindi maalam,
Iyong takot sa Diyos at ayaw ng ‘scam’.
V
At sigurado ang naikulong ay mag-i-impake na,
Malapit ng matapos sa kanila ang komedya,
Ang susunod na hakbang kung tawagin ay pyansa,
Isa, dalawa, tatlo tuloy na uli ang ligaya.
-wakas-

Read 338 times

About Author

Login to post comments

Archive