KARINYO BRUTAL ni Richie Valencia Buenaventura

kilabot
ang kagyat na ramdam ng mga nakaulinig sa balita,
tungkol sa adonis na may sakbit na disgrasya;
kung ikaw ay madatung, may propyedad, maykaya,
tumakbo nang matulin papalayo at nandiyan na siya.

ng pagsuyo ang unang naramdaman,
kiliti ng pag-ibig bumubuhay sa laman;
lulusawin ang moog sa pabulong na suyuan,
sabay umang ng punyal sa baul at kalamnan.

ang paghila sa ari-ariang kinamkam,
ang naisahang kadugo, walang malay, walang alam;
sinaklot ng dilim ang kaanak na lumamlam,
pumalahaw ma’y impit, kambal ng pait ang suklam.
ng matronang walang hatid kundi disgrasya,
bawat makaulayaw, tumitirik ang mata;
lulubog, lilitaw, islaw-palitaw ang drama,
bantayang mabuti ang inyong ina, tiyahin, lola.

bayan, nakahanda na ang iyong tahanan
ni Richie Buenaventura
sa kabila ng mahigit dalawang dekadang pagsisikap
sa wakas, abot-kamay, natupad na ang pangarap;
magtago man ang araw, nahahawi rin ang ulap,
panibago nang yugto ang sa ngayo’y hinaharap.

sa kabila ng balde-baldeng luha ng hinagpis,
mga pintas, panlalait, tiim-bagang na tiniis;
umapaw, dumaloy, may panahong natuyo ang batis,
ang makamit ang ninanais ay sadyang buong tamis.

sa kabila ng pangungutya at panawagang bumitaw,
sa kadiliman at madawag, may liwanag pa ring tanaw;
paninindigang hindi natinag, pag-asang mulit’muling napupukaw,
pananampalataya ang sanggalang sa mapang-imbot na tuklaw.

ang sabi ni lola ni dora, ang lahat ay may tamang panahon,
kahit bundok ay papatag, kapag langit ay umayon;
sa kabila ng masalimuot na dalawampu’t limang taon,
bayan, nakahanda na ang tahanang nilalayon.

Read 368 times

About Author

Related items

  • Karinyo Brutal ni Richie Buenaventura

     

    buwitre

    masipag mag-abang ang mga buwitre,

    matiyagang binabagtas ang lahat ng kalye

    matatago kahit saan, maging ilalim ng katre,

    sinlaki man ng higante, kayang mag-aladuwende.

    matalas ang pandinig, pabulong man ang sitsit,

    hindi humihinto hanggat hindi nakakamit

    ang kahit kapirasitong satsat na magamit;

    pabalat-bungang dasal ang kapoteng sambit.

    inaabangang tunay ang paglamlam ng liwanag,

    kahit pinagkautangan, nakahandang ilaglag,

    pagmamahal sa kapwa ay tuluyang naglagalag,

    ang tsismosa sa dilim, kapat araw ay duwag.

    binaldado ang inggit ang puso at isipan,

    trahedya ng kapwa ang pinagkakaabalahan;

    hungkag ang kaluluwa, ang puso’y walang laman,

    kalabisan sa mundo, walang kapatawaran.

Login to post comments

Archive