KARINYO BRUTAL

Misis Sangasangangdila

ni RICHIE VALENCIA BUENAVENTURA


mula nang ipanganak ay tampulan ng pula,
inulan ng pintas nang dahil sa hitsura;
pagkat kung sa panganay ay ikukumpara,
ang sinundang ate, di hamak na mas maganda.


bumalot ang inggit sa buong katauhan,
ang ateng sinundan, paborito ng magulang;
hanggat sa pagkatanda, hinanakit ay pinasan,
sarili niyang ina, ng telepono’y binagsakan.


natutong magsinungaling nang iangat ang sarili,
ang inggit sa balana ay hindi maikubli;
nagpabuntis sa lalaking tiniyak niyang maipagmamalaki,
nag-iimbento ng istorya, lahat ay sinisisi.


kuripot sa lahat ng kaanak, pati magulang,
pilit na itinatatwa ang tinatamasang kaginhawahan;
ang ateng napariwara, sadyang ayaw tulungan,
ang kulang sa pansin, naghiganti nang tuluyan.


habangbuhay siyang maghahanap ng kabuluhan,
hihingi sa kaanak, kaibigan, kababayan;
sa bawat unsyami, kasungitan ang kasagutan,
apat ang mata ng ahas sa sabsaban.

 

Read 793 times

About Author

Login to post comments

Archive