Aquino: Japanese car companies eye manufacturing plants in PH

MANILA, Philippines - President Aquino had good news upon his return from a working visit to Japan.


Among them interest from Japanese car companies to put up manufacturing plants in the Philippines.


The President says Japan will also conduct a feasibility study on a possible subway system in Metro Manila


“Sa patuloy nga na pag-arangkada ng ating ekonomiya, hindi nga po maikakailang lalong lumalakas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa atin. Binanggit nga po ni Prime Minister Abe ang interes ng mga kumpanyang Hapon tulad ng mga nasa automotive industry na magsimula ng manufacturing operations sa ating bansa,” Aquino said.


“Nariyan ang lalong pagpapalakas sa turismo sa pagitan ng ating dalawang bansa. Nagpasalamat nga tayo sa Punong Ministro para sa mga hakbang ng kanyang pamahalaan hinggil sa visa relaxation para sa mga kababayan nating nais bumisita sa Japan. Ang resulta po nito: mas malakas na ugnayang bumubukal sa pagkakaunawaan at hangaring buksan ang mas maraming pinto ng oportunidad para sa kapwa Pilipino at Hapon, sa pamamagitan ng turismo,” he added.


Aquino also noted Japanese Prime Minister Shinzo Abe cheered the Senate’s approval of a bill that allows full foreign ownership of Philippine banks, as Japanese investors would prefer to do business with Japanese-owned banks.


“Naging positibo naman ang pagtanaw ng Punong Ministro sa balitang nalalapit nang isabatas ang isang panungkalang maghahatid ng oportunidad para sa mas malaking partisipasyon ng mga banyagang kumpanya sa ating banking industry. Ang konteksto po nito: mas sanay makipag-ugnayan ang mga kumpanyang Hapon sa mga bangko na galing sa kanilang bansa. Sa batas na ito, lalo pang magiging mas mabilis at epektibo ang pagpasok ng puhunan mula sa kanila,” Aquino said. - (ANC; ABS-CBNnews.com)

 

Read 595 times

About Author

Login to post comments

Archive