Albay, Philippines Albay, Philippines Online file

Bagong National Museum, bubuksan sa Cagsawa Featured

DARAGA, Albay – Magtatayo ang National Museum of the Philippines (NMP) ng P50-milyon makabagong sangay nito sa loob ng Cagsawa Ruins Park dito para palitan ang museo na winasak ng bagyong ‘Reming’ noong 2006.

Ayon sa NMP, ang sangay nito sa Cagsawa ang pinakamadalas na bisitahin sa labas ng Metro Manila bago ito winasak ng Reming.

Masigla namang tinanggap ni Albay Gov. Joey Salceda ang nabanggit na proyekto ng NMP. Ipinanukala rin niyang magkaroon ng pasilidad para sa dalawang museo, ang Museum of the Natural History of Albay, na tatampukan ng “native artifacts, and important archaeological and historical finds”; at ang Museum of Albay Resiliency, tungkol naman sa mga karanasan ng lalawigan sa “zero casualty”.

Source: Balita.net.ph

Read 456 times

About Author

Login to post comments

Archive