USAP- USAPAN

by REY BUCAO SNR.

 

p26

Larawan ng USS George Washington (CVN 73)
COURTESY of MANILA BULLETIN

 

Hindi nagustuhan ng China ang pagsang-ayon ng Estados Unidos sa Pilipinas hingil sa isyu ng isinampang “Arbitration Case to the United Nation Tribunal to resolve maritime dispute in South China Sea”

 

Noong ika -10 ng Oktobre sa East Asia Summit na ginanap sa Brunei sa pagitan ng 10 kasapi ng Asean, sinabi ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos John Kerry na ang Pilipinas ay may karapatan “to seek arbitration to resolve competing territorial claims.”


Ang Estados Unidos ay walang sinabing sina sang-ayunan na bansa, subalit lubhang nababahala sa alitan dahil apektado anya ang “Freedom of Navigation through one of the busiest shipping channels.”


Idinagdag ng Kalihim na lahat ng bansa na sangkot sa isyu ay dapat magka sundo sa “Code of Conduct” sa ilalim ng International Law upang mapanatili ang “peace, stability and maritime security in the region.”


Ayon sa mga Tsino lahat ng mga isla na nasa loob ng 9-dash line sa South China Sea ay teritoryo nila. Subalit ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea, hindi na ang lumang mapa o kasaysayasn ang basihan ng teritoryo ng mga bansa, kundi ang bagong “Exclusive Economic Zone” na 200 nasutical miles mula sa coastal base line ng isang bansa.


Ayon sa Wikipedia, the Convention…defines “ALL waters inside this base line are designated as ‘Archepelagic Waters’ and the state has full sovereignity over these waters…” Ito ang dahilan kung bakit sinisikap ng kasalukuyang administrasyong Aquino na mapa lakas ang puersa ng Hukbong Dagat ng Pilipinas. Dalawang Frigate type patrol ship ang ngayon ay na dagdag sa Philippine Navy at may 10 pa na darating mula sa Japan at Italy.


Samantala, binabalak din ng mga uturidad na bigyan ng “military access” ang puersa ng Estados Unidos sa Pilipinas tulad ng mga aircraft carriers na USS George Washington.

 

Read 1607 times

About Author

Login to post comments

Archive