The late BURNIE JOHNSON. Bundaberg Aboriginal leader) The late BURNIE JOHNSON. Bundaberg Aboriginal leader)

News Views Insights Life - Making a Difference

 

by LETTY R. STEVENS VENDRAMINI

Lider na Aborihinal sa Bundaberg namaalam na

 

Si Burnett “Burnie” Johnson ay kilalang aborihinal na lider dito sa Wide Bay at buong Bundaberg. Si Burnie ay dito ipinanganak sa bayan ng Bundaberg noong 1940 at kilala ang kanilang Aborihinal na tribu na Gurang-Gurang bilang tagapamahala o dili kaya eh tagapag-alaga ng mga lupain na nasasakupan dito sa Bundaberg bilang bahagi ng kanilang kultura. Kinilala si Burnie bilang Bundaberg Citizen of the Year nooong taong 2011. Kilala siya bilang mapagkawang-gawa sa kanyang komunidad at lahat ng kaniyang nakakasalamuha ay nalalapit ang loob sa kanyang magandang personalidad na pala-kaibigan maging sino ka man at kung saan man ikaw nagmula. Si Burnie Johnson ay walang sawang ibinabahagi ang kanyang kultura bilang Indigenous Australian sa mga paaralan at mga kabataaan at mag-aaral dito sa Wide Bay kabilang ang Bundaberg. Noong kanyang kabataan siya ay aktibo bilang rugby league player, sa soccer teams at volunteer sa mga hindi mabilang na civic activities sa bayan ng Bundaberg.


Nakaroon ng farewell ceremony para kay Burnie Johnson sa bayan ng Bundaberg noong Lunes Hunyo 24, 2013 sa Civic centre na dinaluhan ng mga lokal na mamamayan at lokal na opisyal ng Bundaberg City Council. Nagpadala rin ng kanyang mensahe si dating punong ministro Kevin Rudd ng kasalukuyang pamahalaan ng Labor. Dalawang beses ko ring nakadaupang - palad si Ginoong Burnie Johnson una, noong Dementia Seminar na dinaluhan ng anak ng yumaong Hazel Hawke na si Sue Pieters - Hawke sa Moncrieff Theatre noong nakaraang taong 2012 at ikalawa noong Pebrero nitong taong kasalukuyan sa nakaraang post Australia Day BBQ celebration sa may Alexandra Park dito sa Bundaberg na dinaluhan ng Premier ng Queensland Campbell Newman at ng kanyang maybahay na si Lisa at ng lokal na pamunuan ng Bundaberg council. Nagkaroon din ako nng pagkakataon na kapayanamin si Berni Johnson noong okasyon na ito.

 


Araw ng Kalayaan noong Hunyo 8, 2013 sa Bundaberg ipinagdiwang 

 

Ang Pilipino community dito sa Bundaberg ang Bundaberg Distrrict Australian-Filipino Association Inc (BDFAI) ay ipinagdiwang ang kanilang ika 29th na taon na Foundation Day at ika-115th Araw ng Kasarinalan ng Pilipinas. Ito ay dinaluhan ng mga Pilipino at ng mga lokal na opisyal sa Bundaberg. Inaasahang sa isang taon ito ay magiging isang malaking okasayon sa ika -30 taon ng mga mamayang Pilipino na dito na ninirahan sa Bundaberg, Qld.

 

 

Bundaberg Filipino Folk Adult dancers (BDAFAI) (Subli dance)

 

Lee with Dolores Jensen and her son and Zeny Herold past BDAFAI president.

 

Mr. & Mrs. Edubas of Camuigin Island, Zeny Herold past BDAFAI president, Maria Edubas.

 

BDAFAI Filipino Folk Adult dancers (Muslim dance in Mindanao)

 

Lee with Mila Schneider BDAFAI president.

 

Loreto Rivera BDFAI vice -president and Emil Barkovic BDAFAI member

 

Arvind J Layug, Dolores Jensen and Maricel Mendoza of Cainta, Rizal.

 

 

Read 1357 times

About Author

Login to post comments

Archive